Huwebes, Abril 5, 2012

Sino nga ba si Bob Ong?

Naalala ko noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang. May ipinakitang libro sa akin ang aming propesor and the title was “ABNKK BSA N PLA AKO’, which was written by the famous Bob Ong.

I was curious about the content of the book up to the point na bumili ako to have a copy of my own. The details of the novel supposedly childhood memories of him from the time he started schooling, until na nakapag-work na siya. Very simple lang ang mga salita na ginamit ni Bob Ong, kaya't madali niyang nakuha ang atensyon ng mga mambabasa. Minsan may pagka humorous din ang approach niya and as a reader, and as a student who was once in that situation, masasabi mo na typical na pinagdadaanan yun ng isang estudyante. 

Aside from this novel, marami pa ring mga novels na sinusulat si Bob Ong. Mga nobelang tagos sa puso ng bawat mambabasa, kung saan pare-pareho nating pinag dadaanan ang bawat sitwasyon na nakasaad. Sa kabila ng patuloy na pagsikat ng kanyang mga nobela, marami pa rin ang nagtatanong kung sino nga ba si BobOng. If is this really his real name or fictitious one na ginagamit niya sa kanyang mga obra.

In one of Kapuso mo Jessica Soho's episode, they  tried to trace if who is Bob Ong?  Pa ulit-ulit na tinatanong sang bayanang Pilipino at banyaga na nakaka intindi ng tagalog. Merong nag sasabi na si Bob ong daw isang Guro, web developer, nag tapos daw sya sa kursong creative writing sa UP diliman . Pero kung sino man sya isa pa rin itong palaisipan sa milyong-milyong taga hanga nya. Hindi lingid sa bawat mambabasa ang mga sulat ni Bob ong, ika nga eh isa syang henyo dahil sa likod ng mga nakakatawang jokes nya na katago ang malalim na salita na tumutuligsa sa maling sistema ng mga Pilipino at ng ating gobyerno.

Roberto Ong or Bob Ong ay isang sagisag panulat ng isang kontemporaryong Pilipinong manunulat na kilala sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggawa ng nakakatawa at sumasalaming paglalarawan sa buhay bilang isang Pilipino. (wikipedia). 

Masasabi natin na biling-bili ng mga Pinoy ang mga akda ni Bob Ong dahil may halo mang pagpapatawa ang karamihan sa kanyang mga libro, ito ay prinisinta sa paraang nagrereplika pa rin ng kultura at gawing Pilipino. Ito marahil ang dahilan kung kaya't ang kanyang mga naunang inilathalang libro - pati ang mga susunod pa, ay matuturing na ring totoong Pinoy classics." (mula sa isang kritiko).

Mula noong taong 2001 hanggang sa kasalukuyan, Bob Ong published almost 9 novels na pawang nasusulat sa linggwaheng dama at nauunawan ng nakakaraming mga Pilipino gamit ang mga salitang hinulma na ng panahon. Maybe, it is Bob Ong' personal decision to  write all his novels in Filipino because his theme mainly replicates Filipino traditions and cultures that's why called Filipino classics.

Bob Ong's novels:

2001 - ABNKKBSA N PLA AKO

 
Excerpts mula sa Abnkkbsa na pla ako ni Bob Ong. 

  • Sabi nila, sa kahit ano raw problema, isang tao lang ang makakatulong sa iyo — ang sarili mo. Tama sila. Isinuplong ako ng sarili ko. Kaya siguro namigay ng konsyensya ang Diyos, alam niyang hindi sa lahat ng oras e gumagana ang utak ng tao.
  • Habang nagsasalo sa hapunan ang pamilya at ibang bisita nagkaroon ng gulo sa bahay. Gawa ko. Hindi ko sinasadya, pero nagawa ko siguro dahil gusto ko na rin malaman nila na meron pa akong mas malalang kapalpakan ng kailangan ikumpisal.
  • Di na ko nakatagal. Noong gabi ding ‘yon, isinulat ko ang lahat ng gusto kong sabihin. Letter of apology.
  • May kahabaan yung sulat. Sinabi ko ang problema ko sa eskwelahan. Sinabi ko ang mga simpleng pangarap, takot, tuwa, galit, lungkot at panghihinayang. Nag-crack na pala ako sa pressure, hindi ko pa alam. Medyo nagkasabay-sabay kasi ang problema ng pamilya noon. Hindi ko na binigyan ng karapatan ang sarili ko na humingi ng tulong para sa sarili kong problema. Sinabi ko na wala akong naging masamang bisyo. Nawalan lang talaga ako ng interes sa pag-aaral. Nalito. Napagod. Hindo ko nakasundo ang buhay-kolehiyo. Nawalan ako ng tiyaga… ng pag-asa…ng pangarap…at ng minamahal.
  • Sinabi ko, inamin ko na minsan sumagi sa isip ko ang isa sa mga gamit ng baril. Masyado na kasing maraming bura ang papel, hindi na pwedeng gamitin, dapat nang itapon sa basurahan. Hindi naman iiyak ang mundo para lang sa isang tao.
  • Naisulat ko ang lahat ng hindi ko kayang sabihin.
  • Nagkausap rin kami ng mga kapatid ko, tubigan ang mga mata, basag ang boses at nanginginig ang bawat salitang binbigkas. Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka. Noong gabing ‘yon ko lang naramdaman na huminto ang pamilya para lumingon sa pinakabatang miyembro. Isa lang ang hiniling ko sa kanila: ang karapatang madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.
  • Wala ang magulang ko noong panahon na ‘yon. Nasa probinsya ang nanay ko, nasa barko ang tatay ko. Matagal bago ko sila nakausap. Alam ko ang dismayang pasan ng balita, pero alam ko rin na alam ng tatay ko na kung may higit na madidismaya, ako yon. Nagtanong s’ya kung ano ang nangyari at kung ano ang binabalak ko, pero hindi na s’ya naghanap ng paliwanag. Sa maikling pag-uusap, hinayaan n’yang maisip ko na may sarili din akong barko. Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
  •  "Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”
  •  Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo pag nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. Tanging diploma ay ang alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan.
  •  Sino nga ba ang learning disabled, yung mga hirap magaral o yung mga walang natutunan? Ano ang pinagkaiba ng out-of-school youth na shoplifter sa Harvard-graduate na corrupt government official?


2002 - Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino
- inilalarawan ni Bob Ong ang pagiging pasaway ng mga Pilipino nating mga Pilipino



Quotes mula sa Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino ni Bob Ong. 
 
  • Ano ang lasa ng Toning Water? Bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino? Na-dagitab ka na ba? Saan makakabili ng aritificial fresh flowers? Sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio at Maxima? Paano makipagkaibigan sa bangaw? Ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat? Kay Jesus ba talaga napupunta ang mga lumipad na lobo? Ano ang alam ni Claire Danes na hindi mo alam? Talaga bang "best buy" ang mga Pinay? Pagod ka na bang maging Pilipino? At bakit ka nga pala baliktad mabgasa ng libro?
  • Ngayong N K K B S K N T L G, eto na ang sequel...dahil may El Filibusterismo ang Noli Me Tangere, may New Testament ang Old Testament, at may Toy Story 2 ang Toy Story
  •  I mean, who can resist frequenting a posh place like this? Instead of worrying about other important things, the typical kikay teenager puts on her best dress, and with her kikay friends goes straight to Starbucks where she orders "one tall caramel frappe please!" This takes time to prepare, which is fine. She feels rewarded by the fact that the ethical barista would shout her name across the room by the time her frappe is ready. After she claims it, she heads for the self-service corner where she takes excessive packets of extra sugar, extra cream, an inch thick of Starbucks tissue paper for souvenir. Then she sits by the front window, hoping someone she knows would pass by and see her drinking expensive coffee. She takes remarkably small sips in order to prolong her stay, like a real smart-ass. (175, from The Starbucks Principle by Nick Garcia; ganitong mga klaseng tao yung sa halip na kainisan e tatawanan na lang!)
  • Siguro kaya tayo mahiyain ay dahil alam natin kung ano ang nasa isip ng mga kapwa natin Pilipino. Alam natin kung mapapahiya tayo dahil ganoon din tayo manlait sa kapwa. (184)
  • Sila ang mga taong de-perdible ang ang pagkamamayan...ikinakabit at tinatanggal...depende sa ihip ng hangin. (185)
  • Walang masama kung gusto mong lisanin ang barkong sa tingin mo'y palubog na. Basta't wag mo na lang hahagisan ng anumang pabigat ang barko habang pinagsusumikapan itong isalba ng ibang tao. 
  • Ayaw pag-usapan ng mga Pilipino ang sakit ng bansa...kaya tuloy mga taga-ibang bansa ang gumagawa nito para sa atin. (197)
  •  Hindi totoong it is better to give than to receive. Minsan tabla lang. You receive what you give.
  •  “…ang karamihan ng politiko ay walang utak, at yung ibang may utak…walang puso.
  •  Kaya sana pag nakapangibang bansa yung iba d’yan…wag masyadong hambog, baka mabuhay si Rizal eh ikaw ang ipabaril n’yan sa Luneta. O kaya naman ipakidnap ka ni Rizal sa mga Abu Sayyaf, para dun sabihin mong, I’m a foreigner from California, would you ask for a ransom? Tignan ko kung tubusin ka ng mga kababayan mo. Pinoy…gumising ka…magpakatotoo ka!

PILIPINO KA ‘DI BA?

Nakapanood ka na ba ng Pinoy action movie? eto ang ilang palatandaan na ang pinapanood mo ay bakbakang noypi:
  1. Umiikot ang istorya sa paghihiganti.
  2. Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak n’ya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno).
  3. Isa sa mga eksena ay babastusin ang bida, o ang syota n’ya, ng mga nag-iinumang istambay.
  4. Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).
  5. Hindi nakakaramdam ng sakit ang bida sa bakbakan, pero sisigaw ito at aaray pag ginagamot na ng leading lady ang mga sugat n’ya.
  6. ‘Pag narinig mong tumawa ang isang character nang “bwahahahaha,” automatic, kontrabida ‘yon.
  7. Pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida. kahit habang nanggagahasa.
  8. Smoker at mabisyo lagi ang kontrabida.
  9. Mahilig sa leather jacket ang kontrabida. kahit buwan ng Abril at tanghaling tapat.
  10. Ang structure ng kalaban: ang Boss at ang kanyang “mga bata”.
  11. Ang kuta ng mga kalaban ay sa warehouse o malaking bahay.
  12. Lagi ring may eksena sa isang beer house.
  13. May seksing leading lady at may bed scene na pwedeng ikwento sa Abante.
  14. Magkatapos ng nagbabagang bed scene ay mahinhin na ulit ang leading lady.
  15. Marunong sa bakbakan ang babae, at kung isang lalake lang naman ay kayang-kaya nitong patumbahin.
  16. Kung mako-corner ang bida, hindi ito papatayin. ikukulong lang at papahirapan dahil lagi s’yang gustong mahuli nang buhay ng big boss.
  17. Pagdating sa big boss, papatayin din s’ya, pinatagal lang ng konti.
  18. Mag-uusap ang bida at ang mortal na kalaban nito habang nagtututukan ng baril… mahabang pag-uusap, parang balagtasan, tila baga mag-syotang nasa telepono.
  19. May malakas na pagpapasabog kahit na hindi naman kailangan.
  20.  Walang malalakas na pagpapasabog kahit na kailangan.
  21. Mura lang ang baril at pwede itong itapon kung wala nang bala.
  22. Makakapulot ang bida ng baril na may bala tuwing kinakailangan.
  23. Marunong at asintado sa baril ang leading lady kahit na hindi pa s’ya nakakahawak nito sa buong buhay n’ya.
  24. Kaya ng bida ang dalawampung tao sa bakbakan dahil hindi naman sila sumusugod nang sabay-sabay, laging isa-isa, parang nagsasayaw.
  25. Hindi tinatamaan ng bala ang bida kahit na tatlumpong tao ang bumabaril sa kanya, pero lahat sila tinatamaan n’ya.
  26. Tamaan man s’ya ng bala ay laging daplis lang… bawal sa ulo o sa puso.
  27. Siyam ang buhay ng bida.
  28. Doble pa nito ang buhay ng leading lady.
  29. Kung mamamatay man ang isa sa kanila ay makakapagsalita pa ito ng isang page na script bago malagutan ng hininga.
  30. Pagkatapos pakinggan ang farewell speech, titingala ang naulila at isisigaw ang pangalan ng namatay.
  31. Pero hindi lubusang nagiging ulila ang bida dahil kadalasan itong merong spare na partner.
  32. Huling darating ang maraming pulis at didiretso agad sila sa pag-aresto sa mga kalaban. oo, parang may palatandaan sila kung sino ang mga kalaban… at wala silang pakialam sa bida kahit na sangkot ito sa riot!

 2003 – Ang Paboritong Libro ni Hudas
-         -  this black book s divided into seven chapters--each chapter titles is an anagram of the 7 deadly/capital sins:
-          Chapter 1 – VENY (ENVY)
Chapter 2 – GERAN (ANGER)
Chapter 3 – DEPIR (PRIDE)
Chapter 4 – VENTOCOSEUSS (COVETOUSNESS)
Chapter 5 -  TULS (LUST)
Chapter 6 – GYNOTULL (GLUTTONY)
Chapter 7 – HOLTS (SLOTH)


Quotes  mula sa ANG Paboritong Libro ni Hudas
  •  gusto kong mag-apply sa knila ng trabaho..
  • khit manlang bilang anino.kaya ako natatawa kci hindi na siya nakakatawa
  • all you have to do to pass the subject is give up your life
  • bkit mo sinasagot ng tanong ang tanong ko?
  • di ko na nagagamit ang PC ko, ako na ang ginagamit niya
  • sa ganitong pagkakataon, dalawang bagay na lang ang nasa isip ko: pilitingmatulog o maglaslas ng pulso
  • ikaw ang gumawa noon sa sarili mo, hindi ako.
  • hindi ko gagawin yon kung hindi mo ako bibigyan ng dahilan!
  • pero hindi ka naman naniniwala sa akin, di ba? . Bakit mo isisisi ang isang bagaysa wala?
  • hindi ka niya lalapitan nang wla syang kailangan..at hindi ka niya lulubayan nanghindi niya nakukuha ang gusto nia.
  • walang imposible sa taong naniniwala
  • Hindi ko maintindihan kung bakit ka namin kailangan?--sa parehong paraan na hindi rin alam ng halamn kung bakit kailangan niya nglupa
  • Hinanap mo ba ako.. o ang kawalan ko?
  • Mas madaling makita ang wala.
  • HIndi kita pinoproblema. Nabuhay ako sa mundo nang ayon sa paniniwala ko.
  • Hindi sa dahil sa hindi mo maintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan naito..at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.
  • Kung wala ka ng tanong, maaari mo na bang sagutin ang akin?
  • Hindi Nokia cellphone ang sisiw, na pwede mong palitan ng housing kung gusto mo.
  • Mas masarap kainin ang talangka, kesa alagaan.
  • WANTED: Human Pet.
  • Maraming bagay ang mahal kapag wala kang pera.
  • Maraming beses na nalaglag sa talampakan ang utak ko
  • Bago ang lahat, alamin muna ang tamang dahilan sa pagsu-suicide. Kung ang problema mo ay dahil minamahal mo, hindi ka dapat magpatiwakal. Ang mundo ay tambak ng mga tao na pwede mong mahalin, at ang pera naman ay pwedeng kitain, kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng cellphone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.

 2003 – Ang Alamat ng Gubat
 (Legend of the Forest) to create humorous and reflective depictions of life as a Filipino. Among Bob Ong's works, it is notable for being the first one to be a self-contained straightforward narrative rather than a collection of anecdotes. Bob Ong later came up with another book written as a straightforward narrative, MacArthur, but it is a very different work because it does not have Bob Ong's signature humorous tone.
The story is about a little crab named "Tong" searching for a banana heart to cure his father from sickness. While he begins his journey he finds he and his friends also fight the evil animals in the forest.
Alamat ng Gubat is notable for its allegorical references to Philippine society.



 Main characters

Tong - is a small crab who is looking for a banana blossom (heart of a banana )in the forest to cure his sickly father. He is the son of the king of the sea, along with his siblings who are not assigned to the quest. He is engaged to a fish named Dalagang bukid. Tong is pinkish red and is the youngest in the pack of their crab family. Tong also has a brother called Katang who planned to take revenge on him at the middle of the story, Katang did not succeed to take revenge on him because Katang got killed by Leon who stabbed him with a bamboo stick.
Pagong - is a tortoise who is helping Tong in his adventure. He amazes Tong with his collection of turtle eggs. Pagong is an enormous tortoise that is very slow. He is also confused with his sayings and is said to be wisely stupid.
Aso - is a wild dog . He is a lost dog living in a forest (which he likes). He also helps Tong to find the banana heart; the whole forest will likely die. Aso has a spot on his left eye and is a little confused with everything he says. He also likes playing.
Kuneho - is mostly described as a Filipino version of Rabbit. He also joins Tong in his adventure in finding the banana heart. Kuneho is a little demanding on everything he says and is a little of always angry . He is tall and gray.

Villains
Buwaya - is a crocodile who at the end, eats Tong's friends and Tong left behind. He announces Tong his "best friend". But Tong doesn't agree. Buwaya joins an evil gang in the forest which includes Leon, the gang leader, daga, and Maya, a small bird, who is also buwaya's sidekick and whose main job is to clean buwaya's teeth.
Daga - a rat living in the woods of Saging Republic. He is the tiny sidekick of Leon, Leon influenced Daga to Roar like lions and now, Daga is a part of the gang of evil animals in the forest.
Leon - is a lion and is the leader and the founder of the evil packed gang. He influenced Tong's brother, Katang, in joining the evil gang of animals in the forest. Now, him and his gang is an obstacle to Tong's journey in finding the banana heart and saving his beloved father.
Maya - is a sparrow which has his own mystery in the book : Good or Evil . Still, even at the end of the book, no one knows what side is he. He is Buwaya's sidekick but since his job is to clean Buwaya's teeth, he always ends up being eaten by the reptile although he manages to escape just in time.
Katang - is the brother of Tong and decided to join the gang because of Tong. He is planning revenge for Tong because of Tong tricking him that getting deficated on an Adarna bird was good for his asthma. Now he has stolen Tong's is now part of the gang. But at the end, he got squashed by a bamboo stick .

Plot
Tong and his friends help find the banana heart in the forest. When Langgam won as the new leader of the forest, he got squashed by an animal. And also, they are being threatened by a gang of evil animals. So Tong, Pagong, Aso and Kuneho fight for the forest and are planning to save Tong's father. But when Tong's friends were eaten by Buwaya, Tong is left behind. Will Tong ever get the banana heart without killing the whole forest? Tong eventually got the banana heart with the help of an annoying but wise monkey. He has also not harmed the forest but saved it and made it a better place to live in. But of course, no one still knows what has happened to Leon and his gang.

Blurb
WELCOME TO THE JUNGLE! Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic. Magkibahagi sa kuwentong garantisadong Hindi kapupulutan ng aral. At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat! Alamat mo. Alamat ko. Alamat ng Gubat. ANG LIBRONG PAMBATA PARA SA MATATANDA! 

Quotes mula sa Alamat ng Gubat: 
  • ang pinakamainam na paraan para maging dukha ay ang maging matapat!
  • hindi dahil sa wala kayong pagkakataong magnakaw ay matapat na kayo
  • natural lamang na protektahan ko ang bunga ng pagod ko
  • kaya ka lang naman matapang ay dahil sa wala namang mawawala sayo..
  • nakakatamad magsalita.
  • nakakatamad manahimik
  • walang mangyayari sa buhay mo hangga't hindi ka tumitigil sa paninisi sa nagingkapalaran mo
  • ito ang pinagkakaabalahan ko..gumawagawa ako ng wala
  • iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala
  • hindi ka ba napapagod gumawa ng meron?
  • hindi ka ba napapagod gumawa ng wala? --napapagod, wala na nga akong pahinga eePAGE 19
  • paggawa na ba ng kabutihan ang hindi paggawa ng kasalanan?
  • ang kapangyarihan ay tatagal ng ilang taon.. pero ang impluwensya, daang taon

 2005 - Stainless Longanissa
- mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at tamang praan nG pagsusulat,

- sundot kulangot. pagkain yon. isang jam na sinusundot sa loob ng   maliit na kawayan. alam ko meron noon sa Baguio pero hindi ko    lubos maisip na may pagkaing ganon ang pangalan. pick a booger.   palagay ko nag-umpisa ito noong unang panahon nung   ipinagbabawal  pa ng mga datu ang paglilinis ng ilong. hanggang sa ma-legalize ito noong panahon ng commonwealth at tinanggal sa listahan ng mga heinous crimes. sa ngayon, ang sundot kulangot ang nagsisilbing katibayan ng karapatang minsan nating ipinaglaban alang-alang sa laman ng ilong na inilalaman sa tiyan.

Quotes mula sa Stainless Longganisa

* natawa ka man o nandiri sa pagkaing may kakaibang pangalan, isang patunay lang yan na apektado ka ng salita. nabasa mo man o narinig, bumubuo ng eksena ang isip mo base sa pagkakaintindi nito sa impormasyong nasagap. isip mo ang nagsasabi kung ang isang salita eh baboy, bastos o censored. pagkuskos ng libag, pagkain ng muta, pag-amoy ng tae, pag-inom ng ihi, pagtusok ng mata, paglitson sa sanggol. lahat ng mga salitang yan may dating sayo. sabi kasi ng isip mo.

* kung ako si kaw-kaw, anong ligaya naman kaya ang makukuha ko sa pagkakarinig ng pangalan ko sa tv?

* ayon sa kaibigan kong sinaunang tao ngunit hanggang ngayon ay nabubuhay pa…

* para sakin, napakasagradong bagay ng mga libro para sirain.

* lahat meron. sari-sari. iba-iba. tulad din ng mga tao. utak ng tao. dahil ang bawat libro ay maliit na litrato ng utak ng tao.

* kung hindi mo raw babasahin ang mga libro mo, hindi talaga libro ang pag-aari mo kundi mga tinta at papel.

* wala akong hinahabol na libro sa parehong paraan na wala rin akong iniiwasan.

* hindi ako takot na malaman ang pananaw nila dahil sa huli, opinyon ko pa rin ang masusunod.

* hindi naman aspirin ang mga libro na mabilisang gagamot sa mga problema ko.

* nakikiramdam pa sa takbo ng sarili kong ballpen.

* wag mong sabihin. kung pipilitin mo, maglalaro ka lang sa ideya  ng iba. sa kaduluduluhan, mauuwi ka rin sa panggagaya.

* hindi lahat nabibigyan ng boses sa papel. kaya di dapat sayangin ang pribilehiyo na mailapat ang isip sa isang babasahin. ipayakap mo ang buong papel sa sariling salita. angkinin mo ang bawat sulok ng espasyo na ipinagkatiwala sayo. dahil hindi ka nadadagdagan sa paggamit sa mga sulating hindi mo gawa, nananakawan ka lang ng napakahalagang punasan ng tinta.

* kung may genie na magbibigay katuparan sa lahat ng kahilingan mo pero hindi mo na pwedeng gawin ang isang bagay na pinakgusto mong ginagawa, papayag ka ba?

* tamad ako maligo dahil wala naman yun sa sampung utos ng Dyos naniniwala akong bilang alagad ng sining obligasyon kong mangamoy.

* nalaman kong kailangan pala talaga ng bayag para makapagsulat ka. dahil sa pagsusulat, masasagi mo ang mga matatayog na egotismo ng ibang tao. matatapakan mo ang mga lumpong paa ng kasalukuyang sistema. at maiistorbo mo ang siesta ng lipunang masaya na sa mga paniniwalang kinagisnan nito. sa pagpahid ng utak mo sa papel, lahat yan babanggain mo. kasabay ng pagbangga mo sa sariling mga takot, kamangmangan at egotismo. hahadlangan ka ng sarili mong mga kakulangan, huhugashan ka ng mga mambabasa, hahatulan ka ng mga kritiko. walang takbuhan, walang taguan, wala kang kawala.

* mas madaling manahimik. mas ligtas magtago ng opinyon. mas kumportableng hindi magsalita. pero may mga tao noon na hindi nakuntento sa mga “mas” na yan. bilang kaparusahan, sinunog sila sa harap ng taong bayan, pinagbabato hanggang mamatay, isinabit nang patiwarik at hinati sa gitna, kinuryente, nilunod, pinugutan ng ulo, ipinalapa sa mga leon, binaril sa luneta at.. bahala na yung imagination mo sa iba. pero anuman ang sinapit nila, isa lang ang naging resulta: mas nakilala natin ang mundo, buhay at mismong ang mga sarili natin.

* pag binisita ka ng idea, gana o inspirasyon, kailangan mong itigil LAHAT ng ginagawa mo para lang di masayang ang pagkakataon. walang “sandali lang” o “teka muna”. dahil pag lumagpas ang maikling panahong yon, kahit mag-umpog ka ng ulo sa pader mahihirapan ka nang maghabol.

* araw-araw may shootout ang manunulat at ang suki niyang demonyo. may general assembly ang iba’t-ibang tao at pokemon sa loob ng ulo niya. at may riot ang mga prinsipyong nasungkit niya noong isang araw at yung mga pilosopiyang napulot niya noong mga nagdaang dekada. lahat yan nangyayari habang pinipilit niyang maging mas matinong tao ngayon kesa kahapon. tulad ng magsasakang nagtatanim ng palay sa gitna ng giyera.

* umabot ng mga dalawang segundo bago ko ulit natutunang ngumiti.

* gumamit ng mga salitang pambahay, masagwa at labahan para maintindihan ng mga mambabasang mas kumportable sa baduy, punit at kupas na salita.

* nakikita rin ng manunulat ang sarili niya bilang hunter na nanghuhuli ng mga salita sa halip na hayop. ang bawat nahuhuli niya, isinasalpak sa papel. depende sa hirap ng panghuhuli, minsan may kasama pang mura ang pagsasalpak sa papel. nandoon ang kasiyahan nila pareho ng mga nahuhuling salita.

* ang pagpuksa sa mga personal na demonyo ang nagsilbing makina sa likod ng mga di na mabilang na sanaysay, kwento, at tula. ang manunulat ay biktima ng isang sumpa na para sa karaniwang tao ay ligo lang ang katapat.

* malaking bagay ang mapagkatiwalaan ng mga kabataan sa edad na wala silang sinasanto at lahat eh pinagdududahan.

* sino nga ba ang misteryoso: ang taong alam mo na ang talambuhay at takbo ng isip pero hindi ang pangalan, o ang taong alam mo ang mukha, tirahan, edad at pangalan pero bukod doon eh wala nang iba?

* ikaw ba ang bahagi ng katawan mo na buhay pa? ikaw ba ang parte na nakakapag-isip? ikaw ba lagi ang ulo?

* parang puro lang tayo isip na nag-uusap-usap. walang mukha, katawan, kamay at paa. di kita nakikita, di mo ko nakikita. ako ang tao na binubuo ng isipan mo.. base siguro sa pagkatao mo rin. dahil nakakausap mo ko, tao na ko.

* paano nga ba masasabi kung buhay at may-isip pa ang isang tao o pinahihinga na lang ng makina? kung hindi ka na nakakapag-isip, kahit na mya tibok pa ang puso mo - ikaw pa rin ba yon? kung ipinanganak ka sa katawan ng isang taong di makarinig, makakita, makapagsalita at makagalaw - buhay ka na ba? at kung isang araw gumising ka na lang nang hindi mo alam ang pangalan mo at edad - sino ka???

* malalaman mo raw na tumatanda ka na pag ikinukumpara at ipinagmamalaki mo na ang henerasyon mo sa mga mas bata sayo.

* para sa akin walang kinalaman ang anyo ng tao sa mga sinasabi niya. ayon nga sa mahal na patron ng mga kabataan na si Eminem: “unless you want to fuck me, why do you care what i look like?”

* madaling naihiwalay ang mga may alam sa wala at ang mga nagmemorize lang sa mga nakaintindi. at dahil mas nasilip ko ang isip sa likod ng mga pangalan, mas nakilala ko ang bawat estudyante. nakilala ko dahil sa mga isinulat nila.

* kung gusto kong malito lang ang mga karaniwang tao at hindi maintindihan ang sinasabi ko para kunyari may sinasabi ako kahit na wala, mag-eenglish ako. tulad ng mga namumuno sa bansa.

* ang maganda sa pag-asa, hindi ito nakukuha sayo nang hindi mo gusto. kampante pa nga ko ngayon na masyado nang nabulabog ang bansa. sabi kasi nila kasunod na raw ng pinakamadilim na parte ng gabi ang pagbubukang-liwayway. ang ipinag-aalala ko nga lang eh baka maubos at hindi na umabot ang katol na pangontra sa lamok ng mga tao sa mahabang magdamag.

* ayokong magpadala sa mga pwersang humihila sa akin sa mga direksyong hindi ko namn pinangarap.

* bakit yung mga sundalo nating ginawang panangga sa mga Abu Sayyaf at namatay, pinugutan ng ulo o nawalan ng mga paa at kamay, ni hindi natin kilala? at bakit kailangang magkaroon ng sariling billboard ang mga politiko na wala namang ginagawa kundi uminom ng mineral water sa de-aircon na kwarto?

* palatandaan ng panahong naghihiwalay sa nakatala at di nakatalang kasaysayan ng tao. basehan ng mga paniniwalang pulitikal at panrelihiyong nagpabago sa takbo ng mundo. yan ang libro.
* wala ka ring kalayaan bilang artist dahil lahat ng gawin mo ay nangangailangan ng approval ng mga sarado ang isip at takot sumubok ng bago.

* naging biktima ako ng sistema na nagdidikta kung sino lang ang pwedeng mag-aral ng ano.
* doon nabuo ang litanya ng mga kapalpakan ng pilipinas pero binabanlawan din naman sa dulo ng mg positibo at interesanteng aspeto ng pagiging pilipino. bobong pinoy.. kontrobersyal na pangalang humahamon sa lahat para pabulaanan.

* ayokong matali sa mundo ng teknikal na pagsusulat. may sasabihin ako at hindi lang basta gustong magsalita. meron akong ibang pangarap para sa tinta ng ballpen ko.

* mga taong ayaw umamin sa kabobohan nila.

* gising ang utak ko sa gabi. midnight sale ng mga idea. nilalangaw ang utak ko ng mga bagay-bagay na mabubugaw lang ng pagsusulat.

* mas maingay pa ang utak ko kesa doon sa author.

* paano ako naging sibilisado? ano ang pinagkaiba ko sa mga unggoy bukod sa hindi ako kumakain ng kuto? ano nga ba ang nangyari sa higit labinlimang taon ko sa eskwelahan? at ano nga kaya ang pagkakaiba kung hindi ako nag-grade 1?

* hindi ko maintindihan kung risk taker ako o sadya lang talagang bobo.

* tinatawaran ng nanay ko yung katinuan ko. iba talaga magmahal ang magulang.

* mainit na talaga ang mata ko sa typo - tapos typo pa dumale sa libro ko! pero naisip ko rin na lalo lang sumalamin sa akin yung libro. hindi perpekto. yun ako.

* hindi mo rin naman kasi kailangang ayunan ng buong-buo ang bawat opinyong nababasa mo. natuwa ka man o nainis, ang importante eh apektado ka. tinubuan ka ng pakialam na dati ay wala.

* sa africa: “ikaw ang nasa bansa namin, ikaw ang mag-adjust”. sa pilipinas: “hi. welcome to the philippines! we break our own law, you break it, too. enjoy your stay!”

* kung nasira ko man ang araw mo o kung hindi mo ito ikinatuwa, malinaw na hindi ako ang tipo ng manunulat na gusto mong basahin. pero hindi ito nangangahulugan ng pagkakakumpiska ng ballpen at lisensya ko para magsulat.

* dahil sa kabila ng mga teknikal at nakakalitong paliwanag, nangangahulugan lang ito na lumabas tayo sa bakuran ng mga kasunduang tayo rin naman ang gumawa.

* hati ang simbahan. hati ang senado. hati ang kongreso. hati ang mga tao. biktima tayo ng mga natapakang kayabangan ng mga politiko noon. biktima tayo ng mga natapakang kayabangan ng mga politiko ngayon. biktima tayo ng pambansang kamangmangan na pinakikinabangan ng iilan.

* masama na ba talaga sa panahon ngayon ang gumawa ng mabuti at kailangan mo na itong ipaliwanag?

* naniniwala ako na kung wala kang nagagawa sa kinatatayuan mo ngayon, wala ka ring magagawa sa kung saan mo man gusto magpunta.

* hindi ako santo o isang napakabuting tao pero hindi ko ginagawang hadlang yon para makatulong sa iba paminsan-minsan. at sa mga pagkakataong sinusumpong akong tumulong, di ako iwas na magkwento sa mga malapit na kaibigan. wala akong pakialam kung hindi ako makaakyat ng langit dahil sa pagbanggit ng nagawang kabutihan, tulad ng idinidikta ng relihiyon. ang importante nakatulong ka - tapos! naipakita mo sa mga kaibigan mo na kahit gago pwedeng gumawa ng mabuti. hindi bawal yon. tingin ko nga eh yun ang isang malaking kalokohan sa mundo ngayon: ang pag-aakala ng mga tao na kailangan mo munang maging mabuti para bumagay sayo ang paggawa ng kabutihan - mukhang gago, kung iisipin. dahil wala naman talagang taong mabuti. meron lang mga taong masarap gawan ng kabutihan tulad ni Zhang Ziyi. amen.

* hindi ko lang maintindihan eh kung bakit pagkatapos mainis ng ilang atheist sa kakulitan at pamimilit ng mga fundamentalist, sila naman ang mangungulit at mamimilit sayo na maniwala sa wala. langaw vs langaw. mas bata ang atheist, mas mahirap sakyan. may mga atheist akong classmate noon. pag recitation, yumuyuko din sila para magdasal. Zhang Ziyi.. pray for us.

* hindi kayang gilingin ng utak ko ang sobrang dami ng impormasyon tungkol sa mundo.

* interesanteng isiping hinahanap pala ng mga mambabasa sa mga hayop ang magiging bayani ng kwento.. samantalang hinahanap naman ito ng mga hayop sa mga mambabasa.

* napakarami na naming natutunan sa labas ng eskwelahan. at alam mo pa ang natutunan namin? na napakarami pa rin naming dapat matutunan.

* ang hirap, dahil nakakaubos ng respeto sa sarili ang walang ginagawa.

* hari ka ng mundo habang nagsusulat. akala mo nakasalalay sa mga isinusulat mo ang ikot ng mga planeta.

* pakiramdam mo para ka na lang taeng inulan, walang kakwenta-kwentang nilalang. pero kailangan makumbinsi mo ulit ang sarili mo na kahit anong mangyari may karapatan ka pa ring magsulat.

* may tapang ba talaga yan para bumitaw sa salbabida o tatanda na lang sa pagsasabi ng “sana..”?

* nasisi na lahat ang pwedeng sisihin. dalawa na lang kami ng sarili ko na naghihintayan ng next move. gaano pa ba kailangan magtagal yon?

* hindi mo makukuha ang gusto mo sa mundo kung hindi mo talaga alam kung ano ito.
* higit sa kagustuhan mong maging manunulat, importanteng gusto mo ring magsulat. malabo kasi yung pangarap na basta gusto mo lang maging manunulat, kasing labo yun ng pangarap na gusto mo ring bumait.

* kung hindi propesyunal ang trabaho mo, mabilis nila itong ipa-publish sa basurahan para ipabasa sa landfill.

* lahat ng kilalang writer na nabuhay sa mundo ay may opinyon sa pagsusulat na kumukontra sa opinyon ng iba pang writer.

* sumobra ka lang nang konti sa kanan o konti sa kaliwa, nawawala ang tamang frequency ng signal at naghihikab ang mga tao.

* kung gusto mong maging manunulat, magsulat ka. simple.

* hinding-hindi dapat nakasalalay sa pera ang bawat galaw mo, sa sining man o negosyo.

* kaya kung hindi mo matanggap na itama ng iba ang mga mali mo, hindi para sayo ang pagsusulat.

* pero ang manunulat pag nareject, rejected sila dahil sa kakayanan nila.

* ang importante meron kang mga mambabasang nabibigyan ng inspirasyon sa mundo. magsulat ka para sa kanila, hindi para sa mga kritiko.

* naganap na kasi ang ilan sa kanila sa utak ko bago pa man nangyari sa mundo.

* ano ba meron ang pangalan? sa mga naisulat ko, magkakilala na tayo. wala akong maloloko, at ayoko nang problemahin pa yon. meron akong personal na obligasyon sa nagtataeng tinta ng ballpen ko. nasa mambabasa na kung anong gulay ang gusto niyang ibato. babalik ako sa umpisa. pwede akong matakpan ng sarili kong anino, pero okay lang yon.

* wala akong iiwan, meron lang babalikan.

* marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako.

* kaya lang nakalimutan niya na wala sa mga ginagawa natin ang makakapagsabi nang sapat kung sino tayo. dahil lagi tayong higit sa kahit anong trabaho na nagawa at gagawin natin.

* minsan iniisip ko kung sakto ba ang mukhang ipinapakita ko sa libro. hindi mo alam kung kelan nagpapatawa at kung kelan seryoso. pero sa kabila ng di na mabilang na kwento, sa totoong buhay eh mas masama at mas mabuti pa rin ako sa ako na “nakilala” mo.

* masama akong tao, tulad mo sa parehong paraan na mabuti kang tao tulad ko.

* nakakalimutan ko pa rin ang mga bagay na naiisip ko lang kung hindi ako gaanong abala sa mundo. tingin ko karaniwan lang yon sa mga tao. kaya nga maraming natatakot sa pagsusulat eh dahil alam nilang habambuhay silang babalikan ng mga binitiwan nilang salita.

* pero yun na rin ang kagandahan ng pagsusulat, ikaw mismo natututo sa mga totoo mong saloobin. at ano bang problema kung nag-iiba ang opinyon mo? tao ka, tumatanda, natututo.


2007 – MACARTHUR
The title is derived from a slang term for difficult-to-flush faeces — a reference to Douglas MacArthur's famous promise, "I shall return". The cover's background, mostly obscured by the bold typeset of the title and by the red color, depicts a toilet bowl


Characters
  • Noel. Their family was once rich until a sudden slow down of business. He first appeared in the place on where Cyrus, Voltron and Jim were talking. It was indicated that Noel was just a typical college student who eventually stopped studying because he lacks the money to afford his college test paper. After a quarrel with her sister, Lyla, he was asked by his own father to leave his house, calling him a "good for nothing". He develops a good friendship with Cyrus' grandfather, Mang Justo, until he is shot (mistook for a monster) by Cyrus. In the end, he returns to his family and, although with doubt, is welcomed by his father, along with the rest of the family.
  • Cyrus. The youngest member of their group. Known for his habit of swallowing objects after stealing them. Cyrus lives with his grandfather, Mang Justo, to whom he donated his own kidney. Months after the operation, he accidentally killed his grandfather.
  • Voltron. Also known as Denver and Amadeus. His siblings are Stephen, Brooke, Joshua, Kurt,and Gwyneth. Voltron is skinny and has a big chest, small head, big hands and feet and looks like a robot that rains saliva when talking. He gets beheaded by a gangster.
  • Jim. 23 years old, oldest in the group, has a big body which can lift a sack of rice and a small brain which is enough to carry a foil that will burn crystal meth. He has a wife and son, and is persuaded to leave Manila for the province because of his family's needs.
Quotes mula sa MACARTHUR
  • “Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”
  • “Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi kayo naglaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko.”

 
2009 – KAPITAN SINO

It takes us in an adventure in the town of Pelaez. There we find Rogelio, an ordinary man who makes a living by fixing different appliances in their shop named “Hasmin’s Sari-Sari Store” that they’ve planned to change but never got around to. He lives his life one day at at time, enjoying his little jokes with the kids who insist on buying candies at their sari-sari store turned electronic repair shop, listening to his neighbors Aling Precious and Aling Baby best each other and sing to the different songs he hears on the radio. All this changes one day when his friend Bok-Bok visits his place and they both find out Rogelio has super powers.



Kapitan Sino was born, and from there, Rogelio started saving other people’s lives, disguised in a silver costume and helmet that his blind friend and childhood love Tessa made. Pretty soon, Kapitan Sino was everywhere — on the children that play along the streets pretending to be the hero and the villains, on snacks, gums, newspaper, radio, TV. Everyone was thankful for Kapitan Sino’s heroism, and Rogelio was just happy that he was able to help. This was up until his encounter with the town’s monster, which he defeats but then fails to save someone that mattered to him.

Quotes mula sa Kapitan Sino:
  • Hindi na babalik ang dati. Walang gamot na makakapagbalik ng dati. At wala tayong duktor.
  • Kung may kapangyarihan ka nga, pangsagip man ng buhay ng tao o pamperya, dapat ginagamit yan!
  • Kung ano yung meron ka ibinabahagi mo sa iba, kung ano yung kaya mo ginagawa mo. Yun yon eh!
  • Ba’t ka umaalalay sa matanda sa pagtawid sa kalsada? Kasi kaya mo. Ba’t mo pinupulot ang batang nadadapa? Kasi kaya mo. May lakas ka para itama ang mali, para tumulong sa mahihina….
  • Masyado ka namang matanong! Anong grade ka na ba? Bawal pa sa’yo magbasa nang magbasa!
  • Wala akong paningin. Hindi ako nakakakita ng maskara. Kung sino ka talaga, yun lang ang nakikita ko.
  • Dahil maraming pwedeng magkagusto sa’yo nang di ikaw ang nakikita nila kundi kung ano ang itsura mo.
  • Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.
  • Sabi ng tatay ko dati, wag daw akong malungkot dahil mga panlabas na anyo lang ang di ko makikita, pero mas makikilala ko ang mundo sa kung ano ito dahil di ako mabubulag ng mga anyo.
  • Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo e. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.
  • H-higit k sa maganda… higit sa mak… sa makikita ng mata at matatanaw ng diwa…higit sa maipipinta ng awit…at malililok ng salita…higit sa malilipad ng pangarap at masisisid ng tula…higit ka sa pinakamagandang katha.
  • May kapangyarihan ka, pero hindi mo hawak ang buhay ng tao.
  • Itigil mo ang ginagawa mo kung hindi ka masaya. Hindi ka yayaman dyan. Ni hindi mo yan makukuhanan ng pambayad ng kuryente. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataon umibig at ibigin. Magliligtas ka ng mga di mo kaanu-ano, at makakasakit ka ng mga kadugo. Sabay mong lalabanan ang sariling kahinaan at iiwasan ang paglamon sa’yo ng sobrang kapangyarihan. Magmaskara ka man o hindi, huhusgahan ka ng mga tao. Hindi ka pasasalamatan ng trabaho mo, uulit-ulitin nya lang ang sarili nya.
  • Hindi ka bayani dahil sa mga kaya mong gawin. Bayani ka dahil sa mga ginawa mo.
  • Kung lahat lang ng tao may kapangyarihan, eh di sana lahat tayo bayani.
  • Kung lahat ng tao may konsensya, hindi kailangan ng bayani.
  • Hindi hawak ng tao ang buhay, pero hawak ng tao ang kapangyarihan para hindi pahirapan ang ibang tao.

 2010 – Ang  mga Kaibigan ni Mama Susan
- his first attempt in the horror/suspense genre.


The story revolves around Gilberto P. Manansala (Galo), a college student in an unnamed university in Manila, and his journal entries that he writes for one of his college instructors. In the entries he describes how his everyday situations turn into scary situations, how he uncovers various mysteries and horrors, and how he gets deeply involved in these mysteries and horrors and, in the end, cannot escape them.

May paunang babala: Huwag mong babasahin ang  hindi mo naiintindihan.

Tu uns cum vitiid tuid rd locud pugnsr inter bonum  ac malum. Certamen universum eo mdod decerneteur quo daemones tuos superabis.

Noli finem omnium in terra malorum

Eto pa:

O rex ac regina mundi potentissimi, qui nos vi infinita regitis, vos qui matri nostrae potestatem potentiamque quibus corda mentes animas nostrum regamus attribuitis, auxilium vestrum,

(Amf! Ang tigas ng ulo, binasa tlga, haha)

Sa kabilang banda, nagbago na isip ko. Ayoko na gumawa ng rebyu. Ibabahagi ko na lang yung mga quote na nagustuhan ko sa libro. Peace.

Mga cheesy muna:

Minsan nagmahal ako,
Binigay ko lahat-lahat ng makakaya ko…
Ngayon, iiwan na niya ako…
Litung-lito..
Di na malaman gagawin ko…
Nais ko na tumakbo…
Umalis na lang at talikuran…
Ang nakaraan ko…
Gusto kong iwanan at
Hayaan ang taong minahal ko…
(p. 13)

Madalas sinasabi ko na walang panahon para malungkot…pero ang totoo, nagsusumigaw ako sa lahat ng tao para tulungan ako makalimot sa sakit na nararamdaman ko. (p. 21)

Para sa P ko.
May mga ilang beses pa kaming nagkita at nagkausap. Pero ayoko na talaga. Dahil ayaw na niya talaga. Sarado na. Paalam. (p.39)

Medyo nakatatakot na quote:

Ngayon ngang buhay hindi ko alaw kung saan ako pupunta, sa pagkamatay pa kaya. (p. 23)

Hindi naman kailangang paranormal ang demonyo. Yung mga kriminal na nababalita sa diyaryo, mga demonyo na ‘yon. Yung masasamang ginagawa ng mga tao, yun ang demonyo at hindi yung mga paramdam lang ng espiritu na pinagdedebatehan kung totoo. (p. 31)

Alam mo bang mas marami tayong kaibigang hindi nakikita kumpara sa nakikita? (p. 108)

Kung naniniwala ka sa sinabi ko sapagkat natatakot ka, isa kang mangmang. Kung hindi ka naniniwala sapagkat hindi ka natatakot, higit ka sa mangmang – wala kang kaligtasan.

Galit ka sa nakaraan, takot ka sa hinaharap…hindi ka masaya sa kasalukuyan! Wala kang sinasambang diyos! Mapagmataas ka sa kapwa! At hindi mo kinaawaan...(p 110)

Nagdarasal ka ba? Hindi ka maililigtas ng diyos mo. Sarili mo lang naman ang dini-Diyos mo, hindi ba? (p. 124)


Halu-halo

Outdated na raw ang pagkakabit ng kasal sa sex. Pati ang exclusive na relasyon nagiging optional na lang pagkatapos ng mga ‘encounter’. … Yung kapangyarihan ng tao as creator (sa procreation) ay nababalewala at nasasalaula na lang sa makasariling kasiyahan. (p. 50)

Kung hindi ka mag-aaral, magbanat ka ng buto! Maghanap la ng trabaho! Work, work, work, you stupid cow! Kung ayaw mo, mamatay ka na! Wala kang kwenta! (p.54)

…hangal ang tao dahil sa pang-iisip na siya ang hari ng santinakpan, sa pag-aakalang magagawa niyang makibagay sa kanya ang sanlibutan sa halip na siya sa makibagay dito. (p. 74)

Ano ba ang masama?... Sino ba ang masama? Hindi ba ang nakikita nating masama ay kawalan ng pagmamahalan? (p. 86)

“Iisa ang relihiyon naming, edukasyon, pamahalaan at ekonomiya. Ang kaunlaran dito nasa puso. Nasa pagkatao. Wala sa kagamitan.” (p. 96)

Hindi naming kailangan ang kayamanan dahil magiging katapusan lang ito ng pangangailangan naming sa isa’t isa. Wala sa aming nabubuhay nang para sa sarili lamang. (p. 96)


 2011 – Lumayo ka nga sa Akin
It is divided into three parts and has similarities with The Woman in the Septic Tank



Bago pa man makapagsalita si Divina ay lalapitan siya ni Diego at bibleepin ang  kanyang bleep. Tutugtog ang kanta ni Renz Verano sa background, pero instrumental na saxophone lang. Mapapakislot si Divina. Mapapasinghap si Diego. Mapapalunok ng laway ang mga taga-MTRCB. Mag-uumigting at mas titigas pa sa patay na daga ang bleepbleepbleep. Habang ang bleep naman ay bleep na bleep nang bleep sa bleep ng bleep. Bubuhatin ni Diego si Divina sa may bintana. Bubuka ang bulaklak papasok ang reyna pakembot-kembot kiss sabay hug tumayo ang testigo minekaniko ni moniko kay susan tayo mani talong itlog petchay bastosbastosbastosx100. Sa kasagsagan ng ulan ay lalo pang bibilis ang paggapang ng nagliliyab na alindog ng naglalaway na baliw sa kamunduhan. Bayulenteng aagawin ni Divina kay Diego ang stapler kasama ng patis at mga uling. Lalapirutin bleep tutusukin bleep pupukpukin bleep hihiwain bleep lalagyan ng asin bleep pakukuluan for 3 minutes bleep. Mapapaungol sa rurok ng kaligayahan ang dalawa. Pipigain ni Diego ang atis sa uhaw na bread crumbs habang kumakanta ng Happy Birthday. Sinok dighay utot bleep bleep bleep. Sabay silang babagsak sa bathtub. Napagod man at pawisan, masayang magpapaalam sakanila ang kartero at tatlong babae habang nagdadamit.

Blurb

Mula sa kasumpa-sumpang kahirapan at kalunos-lunos na kaignorantehan sa mundong kanyang kinagisnan, namulat si Marie sa tunay na mukha ng matamis at mapagpakasakit na pag-ibig. Ngunit makakayanan niya ba ang mga hamon ng bukas? Ano ang kanyang magiging kapalaran? Huwag na huwag palampasin ang mga tagpo ngayong gabi sa telesineseryenobela na kumpleto sa mga pang-aapi, paghihiganti, impostor, amnesia, kasal at diary!

Plot

Bala Sa Bala, Kamao Sa Kamao, Satsat Sa Satsat (Bullet to Bullet, Fist to Fist, Gibber to Gibber)
This part of the book is proclaimed as an action movie. The story began in the church. Where Diego and Ashley were happily married to each other. Everyone invited in the wedding were happy, all happiness were banished when unknown outlaws attacked Diego's friends, family, social network friends, and his lawfully wedded wife. The outlaws ran away quickly using a pedicab and Diego's face was wrapped up with grief. Some days later, Diego somehow had moved on and forgot what happened. He now rents his house because he has no money to build any and is living with Ron-Ron, his nephew, And two sidekicks named Momoy and Dodoy. One day, Dodoy was attacked by the same group that killed his friends and family. He was sent to the hospital because of massive injuries. So Diego needed to take place to his job that he just found available, a hired driver of the non-biodegradable actress, herself, Divina Tuazon. It was like love at first sight. She was like the new girl of his dreams. Diego drove a Divina and her gray suitcase to the airport. Because of the busy people in the airport, he exchanged the suitcase the outlaws' gray suitcase filled with important but evil things. He gave the suitcase to Divina and proceeded to the parking lot. Divina flew her way to Manila for a stay in Hephep Hotel. After she she took her bath, she found a can of condensed milk with a string connected to it. She put it near her mouth saying hello. The outlaws claimed the suitcase back, and they wanted it at the warehouse at 7:48 PM. Divina looked at the time and saw that it was already 7:47 PM. The outlaws busted the door out and took her as a hostage. Diego, meanwhile, is enjoying his time to check his updates on Facebook, but then he was shocked when he saw Divina's post saying, "I've been kidnapped" followed by "Divina Tuazon and 12 other friends changed their profile picture". Will Diego defeat the outlaws' boss and save Divina from harm?

 
 Siyam na nobelang nagmula sa iang manunulat napatuloy na nagtatago sa katauhan ni Bob Ong. Iba-iba man ang tema, genre o pamamaraan ng kanyang pagsulat, iba-iba man ang mga kritik sa bawat nobela, masasabi pa rin natin na sa kabuuan napukaw ng isang Bob Ong ang ating mga atensyon at damdamin sa lahat ng kanyang mga obra at patuloy tayong nag-aabang sa kanyang mga susunod na mga likha.

We may not know Bob Ong personally, but lies behind this nine novels, a man who attempted to change the pace of writing style from others.